Paano palalakihin ang bata na may respeto sa relihiyon
- BULGAR
- Mar 17, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 17, 2021

Malapit na ang Semana Santa na ginugunita ng mga Katolikong relihiyon. Napakahalaga sa panahon na ito na palakihin ang bata na may respeto sa iba’t ibang paniniwala. Heto ang ilang hakbang na masisimulan sa tamang direksiyon kung nais palakihin ang anak na magkaroon ng sariling desisyon kung anong relihiyon ang susundin sa sandaling dumating na sa tamang edad ang bata.
1.Magkasundo kayo, bilang magulang, kung anong relihiyon ang paiiralin sa pamilya. Ito ay mainam bago pa man na isilang ang inyong anak.
2.Kausapin ang pamilya hinggil sa desisyon at sabihan sila na sumunod sa panuntunan. Ito ay maaaring mahirap lalo na kung may sobra kang relihiyosong pamilya at kung pipiliin mong mag-iba ng relihiyon. Minsan ang matatag na pinuno ng tahanan ang siyang susundin ng masunuring mga bata.
3.Ihantad ang mga bata sa iba’t ibang relihiyon sa kakaibang pagkakataon. Ito ay ang pagdalo kung minsan sa iba’t ibang templo o simbahan kada linggo, o pagpili ng tatlo o apat na sambahan at dito na mamili habang paslit pa ang bata. Humiram ng aklat sa library o mag-research sa net na nagsasaad ng iba’t ibang relihiyon sa mundo at turuan sila hinggil sa iba’t ibang selebrasyon, ritwal at paniniwala.
4.Magsagawa ng masusing pagsusuri sa anumang child care facility ng relihiyon bago payagan ang mga bata na dumalo rito. Tiyakin na ang papasuking relihiyon ay hindi ka bibiguin sa iyong inaasahan.
5. Hayaang malaman ng bata ang hinggil sa desisyon na iyong ginawa hinggil sa espirituwal na buhay at malaman ng bata na ikaw ay bukas sa anumang pag-uusap hingil sa relihiyon at iba’t ibang interpretasyon ng relihiyon.
6.Sagutin ang lahat ng mga katanungan, sa tamang edad.
7.Unahin ang komento sa salitang “Well, naniniwala ang ibang tao…” Ito’y makatutulong sa iyo upang maiwasan na hindi na sumapi pa sa ibang relihiyon ang anak.
8.Pagtiwalaan na ang anak ay tutugon sa bukas mong loob at totohanang approach. Sensitibo ang bata sa anumang kasinungalingan at agad madaling mararamdaman ang ‘di totoong mga bagay. Kaya sabihin ang hindi alam kung talagang ‘di alam. Iliwanag din na habang lumalaki ang bata at kung pipiliin na ipasok siya sa isang panrelihiyosong eskuwelahan, hinahayaan mo siyang maranasan ang buhay sa naturang relihiyon, pero nasa kanya pa rin ang pagpili. Tiyakin na maging bukas loob ang bawat isa, magkaroon ng prangkang usapan hinggil sa sarili mong paniniwala at pangkalahatang paniniwala kaugnay sa kung ano ang kanilang natututunan. Ito’y para malaman nila na tunay silang libre na magdesisyon.
9.Bigyang edukasyon ang bata sa maraming kontrahan hinggil sa iba’t ibang paniniwalang relihiyon.
10. Ipagpatuloy na paalalahanan ang bata na magkakaroon siya ng oportunidad na pagtanda niya ay makapag-research at makapili ng relihiyon na angkop.








Comments