Paano nga ba maging alisto bago pa man dumating ang mga sakuna
- BULGAR

- Nov 19, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 19, 2020

Kahit sino ay ayaw na ngayong sapitin ang anumang sakuna, pero ang mga kalamidad ay biglaan na lang kung dumating. Malalakas na bagyo, ulan at pagbaha, sunog, lindol o pag-atake ng mga terorista. Madalas hindi agad handa ang mga tao. Ang ganito kasing uri ng kaisipan ay naghahatid ng takot, kalungkutan at pagtanggi. Ang teknik diyan ay kung paano mo ito iisipin. Imadyinin kung ano ang mga kakailanganin may mangyari mang hindi maganda. Ang maging handa ay isang uri ng maliit na paraan ng seguridad, alisto at kontrol sa anumang sakuna.
Tanungin ang sarili, "Ano ba ang nangyari? Ang mga gusali riyan ay nawasak o nagiba dahil sa maraming rason, ilan dito ay hindi mo naiwasan. Nakatira ka ba sa lugar na may mataas na peligrong bahain, maapektuhan ng lindol o sunog? Malapit ka ba sa mga pabrikang bumubuga ng polusyon o nagpapaagos ng toxic chemicals sa mga ilog? Katabi n’yo ba ang pabrika ng mga paputok? Maging reyalistiko at sa anumang nakaambang panganib.
Sa kaso ng anumang posibleng sakuna, ano ba ang iyong maagang pagtugon? Kung kailangan nang tumakbo palabas ng bahay, paano ito gagawin? Magplano ng signals, mga tatakbuhang lugar at pagkakakitaan na lugar ng buong pamilya sakaling nagkahiwa-hiwalay sa pagtakbo. Pagpasyahan kung ano ang gagawin sa mga alagang hayop. Alamin kung saan hahanapin ang circuit breakers ng kuryente at ang gas shutoff valve para mai-off ito agad.
Kung ang bahay ay peligroso na, saan ka pupunta? Diyan pa ba kayo sa bakuran mamimirmahan o sa may bakanteng lote? Patutuluyin ba kayo ng kapitbahay o mga kaibigan sa kanilang bahay? Gaano ba kalayo ang dapat na tatakbuhan mula sa inyong nasalantang bahay? Mase-secure mo ba ang bakante mong bahay mula sa sinumang magtatangkang pumasok dito?
Isipin na rin kung paanong sa ilang araw na pagharap sa sakuna ay dapat sapat ang pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, health security, kalinisan, damit at pera. Makapagtatago ka ba ng emergency bag sa likod ng pintuan o tool box na madaling damputin sa oras ng inyong pagtakbo?
Ano ba ang mga legal mong responsibilidad? Kahit na marami pang ibang bahagi ng lugar ang binaha at nilindol, hindi mawawala ang mortgage, insurance, car ownership, bank accounts at investment. Dapat may nakatago kang bagong impormasyon sa emergency bag ganundin sa safe deposit box sa bangko.
Paano kung may masaktan o namatay? Dapat may first aid kit at alam ninyo kung paano gamitin. Kung hindi ka makapagligtas ng buhay, gamitin ang sariling diskarte, hinggil sa kaligtasan, kaayusan at respetong trato sa mga nalabi ng loved ones. Ang mga kaibigan o pamilya na medyo malayo sa lugar na apektado ng kalamidad ay dapat may kopya rin ng iyong “will,” matatag na power of attorney o iba pang dokumento na nagsasaad ng iyong mga kahilingan.
Kumolekta at maglaan na ng supplies. Kontakin ang mga tao, ihanda ang iyong first aid kit at survival skills. Maghanda ng background theme at dapat handa ka kapag nariyan na ang sakuna.
Maglaan ng cellphone sa emergency bag. Magkaroon ng kahit isang tao na titingin sa sitwasyon sa labas at tiyakin na lahat kayo ay may cellphone number ng bawat isa. Sa paraang iyan, at least may mabalitaan ka sa anumang nangyayari.
Magkaroon ng perishable supplies para magamit muli kung kailangan. Halimbawa, regular na palitan ang stock na delata, tsekin ang emergency water kung bago pa, flashlight, radyo at phone batteries.





Comments