Paano nakakaimpluwensiya sa anak ang sugarol at lasenggo na magulang?
- BULGAR

- Aug 2, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 2, 2020

Lahat ng magulang ay nais proteksiyunan ang kanilang mga anak mula sa mapanganib na ugali at kinagawian. Ang maagang pagiging lasenggo ng bata ay hindi lamang nakaaapekto sa buhay ng bata na maging bayolente kundi adik na rin sa alak, habambuhay.
1. SAMPOL NG MAGULANG. Ang panahon ng teenager ay panahon ng kanyang impluwensiya mula sa labas ng tahanan tulad ng mula sa ugali ng kaibigan o kaalaman sa iba pang tao ay may epekto rin sa desisyon at ugali ng bata. Gayunman, mga patunay na ang ugali ng magulang kahit na hindi direkta ay may mas malakas na impluwensiya sa teenagers. Ang magulang na manginginom ay nahahawa rin dito ang mga anak.
2. POSITIBONG RELASYON. Ang manatiling malusog at bukas na relasyon sa anak ay mahirap para sa magulang. Ang pagbabagong ito hanggang sa paglaki ay madalas dahil sa tensiyon ng pamilya at nasisirang relasyon kaya kapag masikap pa rin ang magulang ay may positibong magaganap. Ang mga anak na positibo ang relasyon sa magulang at komportableng makinig sa mga impormasyon mula sa magulang at nakikinig ng payo ay hindi natututong uminom ng alak. At kapag ang isang nakatetensiyong klase ng pamilya ay nagiging iresponsable ay lasenggo ang isang bata.
3. SERYOSONG PAG-UUSAP. Ang seryoso at planong pag-uusap sa pagitan ng magulang at anak ay isang mainam na paraan para maiiwas ang bata sa pag-inom ng alak. Kung minsan ayaw nang dumisiplina ng magulang para hindi mapahiya ang anak.Pero ang magulang pa rin ang dapat na siyang magbibigay impormasyon sa anak hingil sa panganib ng pag-inom ng alak, lalo na sa kanyang paglaki. Dapat maging responsable ang magulang na masabi sa anak na masama ang alak at pagsusugal.
4. ANG PELIGRO NG SOBRANG DISIPLINA. Habang dama ng mga magulang ang malakas na hangarin na maiwasan ang alak. Ang ilang sobrang paghihigpit naman ay hindi mainam. Ang paulit-ulit na pangangaral at pagbabala ay maiiwas ang mga bata na ma-realize na ang kanilang magulang ay nais lamang ng ikabubuti nila. Ang minsang pang-iinsulto sa talino o matyuridad ng bata ay hindi epektibo. Dapat ipaliwanag ng magulang na nagmamalasakit sila at mag-establisa ng malinaw na kautusan.
At bago pa mahuli ang lahat at hindi naman malulong sa sugal ang bata. Magkaroon dapat ng edukasyon ang magulang hinggil sa peligro ng pagsusugal.
1. Dapat na maging mapagmasid ang magulang sa kanilang kapaligiran kung may susulpot na mga dahilan para mahirati sa sugal ang anak tulad ng internet gambling.
2. Iwasang mapag-usapan ang tungkol sa sugal sa bahay. Kung ang mga magulang ay sugarol maging paminsan-minsan man o regular na sumasali, hindi nila dapat pag-usapan sa bahay na maririnig ng mga bata ang mga exciting nilang pagsusugal. Huwag ding hayaan na mapanood ng bata ang pag-upo mo sa saklaan,poker o domino.
3. Bigyang pansin din ang mga bentahan ng kung anu-anong tiket sa lugar. Kung minsan, may mga bingohan sa lugar at iba pang klase ng laro na sinusugalan, maging sa mga barangay pagdating ng piyesta o may mga peryahan. Mabuti na lang at bawal ang lahat ng iyan ngayong may pandemya.
Ang tungkol sa masamang dulot ng pagsusugal. May mga seminar online hinggil sa pag-iwas sa pag-inom ng alak at pagdodroga, dapat ay maisama rin ang pagsusugal sa kategoryang ito. Ang pagsusugal ay dapat na maging paksa sa anumang informational program para malaman ng mga bata na isang nakakaadik na bagay ito. Kung mayroon mang mga videos na pagbabago ng mga dating alcoholic, sugarol o addict, mainam na aral ito sa mga teenagers.
4. Pansinin agad ang mga babalang ginagawa. Ang mga magulang ay dapat mapansin kung may sobrang pera o nangungutang ang bata. Tingnan din kung lumalaki ang bills sa internet mula sa hindi kilala sa hatinggabi na kausap. Ang mga nagsusugal na tinedya ay umiiwas, malungkot at bumabagsak ang marka at hindi maipaliwanag ang pagi-skip sa klase. Bigyan pansin agad ang mga pagbabago na ito.
5. Maging mapagmasid sa ilang kapamilya na nagsusugal. Ang sinuman sa iba na nasa bahay ang nahihirati sa sugal ay isang babala para hindi mahawa o maging sakit ng ulo pa ang teenagers pagdating ng araw.
6. Kung may credit card ang teenager, pag-aralan ang kanilang bills. Kuwestiyunin ang malakihang mga halaga, lalo na ang mga utang nila sa internet company. Anumang mga cash advance ay isa nang babala. Kung nadiskubre mo ang teen ay gumagamii ng credit card para lamang mahirati sa pagsusugal, kumpisakahin ang card at sabihan ang credit card company na huwag na magpapadala ng substitute.
7. Bigyan ang teenager ng iba’t ibang aktibidad. Kadalasan ang mga teen na natututong magsugal ay gusto lang mapawi ang kanilang lungkot at pagkabagot. Bigyan ang bata ng higit sa konstruktibong pagpipilian para maging busy sila, kabilang na ang pagkahaling sa sports, musika, sayaw at iba pang extracurricular activities na makatutulong sa kanilang pagkatao at kalusugan.








Comments