top of page

Paalala na oks lang bumagsak bago magtagumpay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 16, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Maricel na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Nahulog ako sa hagdan, tapos napilayan ako at dinala sa manghihilot, tapos gumaling ako. Masama ba ang kahulugan ng panaginip kong ito?


Naghihintay,

Maricel


Sa iyo Maricel,


Sa biglang tingin, masama ang nahulog sa hagdan at napilayan, pero sa buhay ng tao, lalo na sa mga nagtagumpay na at kasalukuyang nagtatagumpay, hindi na nila gaanong pinahahalagahan ang pangyayaring sila ay nahulog at napilayan.


Para sa kanila, bahagi ito ng pakikipagsapalaran at sa ganitong paraan, lalo silang gumagaling at humuhusay. Ayon sa kanila, sa bawat pagkahulog, pagkadapa at pagbagsak, lalo silang tumitibay at tumatatag dahil may napapala silang aral na magagamit nila upang magtagumpay.


Gayundin, para sa kanila, ang pilay at sugat ay bahagi ng pakikipagsapalaran at sa mga ito, may magagandang bagay silang natutunan.


Base sa iyong panaginip, ibinabalita na aatras ang mga suwerte mo, pero huwag kang matakot dahil bahagi lang ito ng pakikipagsapalaran kung saan may makukuha kang aral sa buhay na nagsasabing, ang pag-atras ng suwerte ay pagkuha ng malalakas na buwelo na ang ibig sabihin, mas aasenso ka pa.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page