top of page

Paalala na mag-rosaryo at maniwalang may diyos na tagapagligtas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 6, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Megumi na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Ano ang kahulugan panaginip ko tungkol kay Mama Mary na nakuha ko siya sa tubig at may rosaryo nakasabit sa kanya?


Naghihintay,

Megumi


Sa iyo Megumi,


Sa panahon ngayon na ang tao ay takot na takot, labis na nag-aalala at walang katiyakan kung ano ang hinaharap dahil sa COVID-19 pandemic, marami ang mananaginip sa mga banal na nilalang at isa na rito si Mama Mary.


Ang taong walang Diyos ay walang maaasahan sa kasalukuyang sitwasyon. Kaya sa tanong na may Diyos ba o wala, ang sagot ay mayroon dahil kung wala kang Diyos, para kang nasa mga sitwasyong hindi mo kontrolado.


Sa iyong panaginip, ipinaaalala ni Mama Mary na kapag may Diyos ka, may tagapagligtas ka. Kapag may Diyos ka, may tagapagtanggol ka at kapag may Diyos ka, may maglalayo sa iyo sa masama at kapag may sakit ka, pagagalingin ka ni Healing God.


Sabi ni Mama Mary, pray your rosary o mag-rosaryo ka. Sa pamamagitan ng pagrorosarayo, naaalala mo na si Mama Mary ay may espesyal na prebilehiyo na mag-request kay Lord ng mga kahilingang mahirap matupad.


Sa pagrorosaryo, maaalala mo na sabi ni God kay Mama Mary, “Ikaw ang babaeng bukod na pinagpala.” Oo, siya lang at wala nang ibang “bukod na pinagpala,” ‘yan mismo ang sinabi ni God, kaya tiyak na si Mama Mary ay bukod na pinagpapala.


Muli, magrosaryo ka. Ito ang mensahe ng iyong panaginip.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page