top of page

Paalala na kumustahin ang ama na nasa ‘Pinas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2020
  • 2 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 21, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Louie na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Napanaginipan ko si papa, pero hindi ko alam kung okey siya sa panaginip ko. Madalas ko rin siyang mapanaginipan noong nagtatrabaho pa ako sa Manila, pero ngayon, nasa Saudi ako.


Hindi ako makauwi dahil sabi ng mga kasamahan namin, kung uuwi kami ay baka hindi rin kami makabalik dahil balitang-balita rito na grabe ang COVID-19 sa Pilipinas.


Naghihintay,

Louie


Sa iyo Louie,


Madalas, kaya napapanaginipan ang mga mahal sa buhay ay dahil sila ay parang nakakalimutan na ng nanaginip. Kaya ang payo para sa iyo, kumustahin mo ang iyong ama. Minsan, ang simpleng “Hi” ay nagbibigay ng sobrang ligaya sa kinumusta, ganundin din ang munting “Hello” kung saan sumasaya ang pinatungkulan.


Ang “Hi” at “Hello” ay simpleng salita at parang wala namang saysay, pero ang dalawang ito ang pinakamasarap marinig mula sa isang kapamilya, mahal sa buhay, kaibigan at higit sa lahat ay mula sa kaaway.


Maiksi ang “Hi” at “Hello”, kaya sa totoo lang, hindi naman sapat ang mga ito para makaistorbo sa isang tao. Kalimitan, ang ikinakatwiran kaya hindi magawang mangumusta ay dahil busy sa trabaho. Sa “Hi” at “Hello”, hindi magadang dahilan ang ganu’n, dahil maiksi lang naman ang mga salitang ito. At kung idaragdag mo pa ang salitang “Kumusta ka?” Hay naku, sobrang ligaya ang madarama ng pag-uukulan mo.


Samantala, baka mahirapan kang makabalik kapag umuwi ka dahil mas malamang na sa new normal ay nangangailangan na ng certificate na ang mag-a-abroad ay dapat negatibo sa COVID-19. At kahit negative ka, baka rin hindi ka tanggapin sa ibang bansa kapag nalaman nilang galing ka sa ‘Pinas at maaaring hingan pa ng certificate o katunayan na ang aalis ay nagpabakuna.


Kung safe naman kayo r’yan sa kinalalagyan n’yo, r’yan muna kayo dahil mahirap nga lang sabihin na rito sa atin, walang katiyakan kung kailan ka tatamaan ng COVID-19, kumbaga, anumang oras ay puwede kang magkasakit dahil hindi pa naman kontrolado ang pagkalat ng virus. Mag-ingat ka palagi at keep on praying!

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page