Paalala na iwasang magyabang
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 11, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romulo ng Pasig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na maraming paniki na nagliliparan sa paligid ng tangke ng tubig namin. Maraming lamang tubig ang tangke at du’n pumupunta ‘yung malalaking paniki, habang ‘yung maliliit naman ay umaali-aligid sa tangke na walang tubig.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Romulo
Sa iyo, Romulo,
Ang ibig sabihin ng mga paniking nagliliparan sa paligid ng tangke n’yo ay may bumabagabag sa iyong isip na hindi mo kayang ipaliwanag. May kababalaghang nagaganap sa buhay mo.
Kung umiibig ka sa kasalukuyan, nangangahulugan ito na mapanganib ang karibal mo sa pag-ibig dahil may binabalak siyang hindi maganda laban sa iyo.
Samantala, ‘yung tangke na maraming laman na tubig at du’n pumupunta ‘yung malalaking paniki ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa pinakamimithi mong pangarap na gustong makamit.
Ang tangke na walang tubig na siyang pinupuntahan ng maliliit na paniki ay babala na huwag kang maging kampante sa iyong tagumpay dahil maaari ka ring makaranas ng pagkabigo kung magiging pabaya ka, sobrang mayabang at sobrang paggastos ng pera sa hindi tamang pagkakagastusan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments