Search
  • BULGAR

P7-M halaga ng shabu nasabat sa isang mall sa QC

ni Lolet Abania | June 27, 2020




Aabot sa P7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buybust operation sa parking lot ng isang mall sa Quezon City.


Tumitimbang ng isang kilo at may street value na P6.8 million, ang nasabat na kontrabando ng mga operatiba ng PDEA.


Kinilala ang mga suspek na Amel Abdul, 31, company driver, Jonaid Londoy, 27, walang trabaho at si Salillaguia Omar, 35, isang private 1st class ng Philippine Army. Nasakote ang mga suspek sa Ever Gotesco Mall, Quezon City ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at Quezon City Police District (QCPD.)

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.