P600,000 halaga ng shabu, nakumpiska ng BOC
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 7, 2020

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P600,000 halaga ng iligal na drogang nakumpirmang shabu sa NAIA complex mula sa Fedex warehouse na mula sa Amerika at nadiskubre sa dalawang magkahiwalay na packages ng game board at puzzles.
Nakumpiska rin ng BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang misdeclared bottles ng mga kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu na galing diumano sa Taiwan.





Comments