top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P50-B para sa Special Risk Allowance ng mga Health Workers, ayos!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2021
1 min read

@Editorial | December 16, 2021



Inanunsiyo na nagkasundo ang mga mambabatas na paglaanan ng P50 bilyong pondo ang special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers para sa susunod na taon.


Ayon sa chairman ng House Committee on Appropriations, ito ay kasunod nang approval ng Bicameral Conference Committee sa proposed P5.024-trillion national budget para sa 2022.


Kinailangan umanong humugot ng pondo sa ilang items sa General Appropriations Bill para mapondohan ang SRA gayung sa National Expenditure Program pa lamang dati ay hindi na ito isinama ng Department of Budget and Management (DBM).


Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng ating mga doktor, nurses at iba pang health workers. May pandemya man o wala, buwis-buhay na sila sa paglilingkod sa kapwa.


Kaya nakapanlulumong marinig ang kanilang mga hinaing para sa mga bagay na dapat nilang tinatamasa sa hindi malamang dahilan, bakit wala?


May mga namatay na hindi na umano nahintay ang ipinapanawagang tamang sahod.


May iba na hindi na talaga kinaya ang sitwasyon at napilitan nang mag-abroad na para rin sa pamilya.


Sana ay hindi pa huli para bumawi sa kanila. Sana ay makarating nang maayos at sapat ang halagang inilaan sa kanila.


Palagi nating sinasabi na hindi matutumbasan ng pera ang paglilingkod sa kapwa.


Kaya lahat ng maaaring ibigay bilang pasasalamat ay ibigay na natin.


Inaalagaan nila tayo, marapat lang na alagaan din natin sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page