P4M shabu, nasabat sa Caloocan City
- BULGAR

- Oct 5, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 5, 2020

Umabot sa P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa Caloocan City matapos ang isinagawang buy-bust operation nitong Sabado at Linggo, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Agad na inaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina Abdul Sulong, 33-anyos at Taya Sulong, 65-anyos sa Villa Enrico Heights sa Barangay 171 sa mismong operasyon.
Ayon sa mga pulis, isa si Abdul sa mga pinaghahanap dahil kasali ito sa drug watchlist.
Narekober ng awtoridad sa mga suspek ang 7 piraso ng transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu. Ito ay may timbang na 600 grams at nagkakahalaga ng P4,080,000. Nakuha rin sa mga suspek ang isang silver weighing scale, black shoulder bag at buy-bust money.
Pinuri naman ni NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas ang operatives sa matagumpay na buy-bust operation.
Aniya, “I am elated for your unwavering effort and dedication to attain our vision of a safer Metro Manila for all.”




Comments