P4.5-M ng shabu sa biscuit cans, nasabat ng BOC-NAIA
- BULGAR

- Jul 30, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 30, 2020

Nasabat ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-Naia) ang P4.5 million halaga ng shabu sa dalawang lalagyanan ng chocolate wafers.
Ayon sa BOC-Naia, nakumpiska nila ito noong July 22 nang magsagawa ng physical examinations ang Customs sa mga unclaimed cargoes sa Naia.
Ang package ay mula sa Las Vegas, Nevada at ipadadala diumano sa residente ng Hagonoy na hindi pa nakikilala.
Nakumpirmang shabu ang naturang package nang magsagawa ng tests ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).





Comments