top of page
Search
BULGAR

P31.98B droga, nasabat mula Hulyo 2022

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 22, 2024




Nasabat ng mga otoridad ang P31.98 bilyong halaga ng ilegal na droga, laboratory equipment at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) mula Hulyo 2022 hanggang Enero 2024, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Sa ulat ng PDEA hinggil sa kampanya laban sa droga, ipinakita na sa panahong ito, kanilang nasabat ang kabuuang 4,317.46 kilogramo ng shabu, 50.47 kilogramo ng cocaine, 3,197.19 kilogramo ng marijuana, at 54,013 piraso ng ecstasy.


Sa kabuuang 79,841 na pag-aresto, 5,366 na mga drug personalities ang itinuturing na high-value targets (HVT).


Binuwag din ng mga otoridad ang kabuuang 856 na drug dens at isang clandestine laboratory.


Dahil sa matinding kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga, 28,247 sa 42,000 na barangay ang itinuturing na 'drug-cleared' at mayroong 7,264 barangay pa ang patuloy na nililinis ng mga otoridad.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page