top of page
Search
  • BULGAR

P300,000 pabuya kada ulo sa mga suspek sa pagpatay sa rider

ni Twincle Esquierdo | November 25, 2020




Magbibigay umano ng pabuya ang lungsod ng Valenzuela sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pagpatay sa isang rider noong Oktubre.


Nagkakahalaga ng P300,000 ang patong sa ulo ng bawat suspek. Nauna nang naaresto ang dalawa sa mga suspek na sina Edgar Batchar at Police Cpl. Michael Castro.


Pinaghahanap pa ngayon ang dating pulis na si Patrolman Anthony Cubos na lider sa isang criminal gang at ang mga testigo na sina Rico Reyes, Narciso Santiago at Joanne Cabatuan.


Matatandaang pinatay ang rider na si Niño Luegi Hernando matapos mag-withdraw ng sahod ng kanyang mga katrabaho sa isang bangko sa Paso de Blas, Valenzuela alas-4 ng hapon noong Oktubre 9. Sinundan pala siya ng riding-in-tandem at pinagbabaril.


Nakuha sa kanya ang motor at P442,000 cash, ayon sa hepe ng Valenzuela Police na si Police Col. Fernando Ortega. Inaalam na rin ni PNP Chief General Debold Sinas kung may kinalaman ang mga suspek sa ilang kaso ng panghoholdap at pagpatay sa northern Metro Manila.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page