top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

P3 bilyong puslit na yosi, nasabat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | May 11, 2026



3B smuggled cigarettes - Agusan Del Norte, PPO - PNP - BOC

Photo: Agusan del Norte PPO / PNP / BOC



Nasabat ng Philippine National Police sa tulong ng Bureau of Customs ang tinatayang P3 bilyong halaga ng mga puslit na sigarilyo sa inilunsad na anti-smuggling operations sa Brgy. Talisay, Nasipit, Agusan del Norte.


Nagresulta ito sa pagkumpiska sa 54 na container vans na kargado ng iba’t ibang brands ng sigarilyo na pinaniniwalaang ilegal na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng pribadong pantalan.


Isinagawa ang anti-smuggling operations sa Gotong Private Port matapos makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad ng kahina-hinalang shipments na umano’y sangkot ang organisadong smuggling network.


Ang nakumpiskang 54 na forty-footer container vans ay naglalaman ng tig-1,030 master cases ng mga sigarilyo.


Agad na itinurn-over ang mga nasabat na kontrabando sa BOC-Caraga para sa kaukulang dokumentasyon, inventory at legal na disposisyon.

May hinala ang mga otoridad na ang nasa likod ng smuggling operations ay sopistikado at malaki ang pondo ng transnational criminal syndicate na sangkot sa malakihang ilegal na trade operations.


Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga kontrabando, matukoy ang mga kasabwat sa smuggling operations at mabuwag ang  buong smuggling network ng sindikato.


Ayon sa Nasipit PNP, ito ang pinakamalaking nakumpiskang kontrabando sa Caraga region.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page