P287-M body camera para sa mga pulis, ilalabas na
- BULGAR

- Oct 1, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 1, 2020

Susuriin muna ng Philippine National Police (PNP) ang mga body-worn cameras ngayong buwan bago ito ibigay sa mga personnel na magagamit nila para sa kanilang operasyon, ayon kay PNP Chief P/Gen. Camilo Pancratius Cascolan.
"We have more or less 2,600 units [of] body-worn cameras to be delivered... The functional testing and evaluation [is] on October 12, two weeks from now," sabi ni Cascolan sa pagdinig sa Senado tungkol sa P190.5-billion proposed budget ng PNP sa 2021.
Ayon kay Cascolan, prayoridad na mabigyan ng body-worn camera, na tinatayang may P287 million na alokasyon, ang kanilang mga kawani na kasama sa mga anti-drug operations.
Ipapamahagi ang mga nasabing camera matapos ang isasagawang testing at evaluation nito sa kanilang personnel, ayon pa sa PNP chief.
Samantala, noong December 2019, nai-award ang bid ng body camera system sa isang kumpanya na nasa San Juan City.





Comments