P275M ayuda, naipamahagi na sa mga binagyo
- BULGAR

- Aug 6, 2023
- 1 min read
ni BRT @News | August 6, 2023

Nasa P275 milyong halaga ng ayuda na ang naipamahagi ng pamahalaan at non-government organizations sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Egay at habagat.
Ayon kay Social Welfare Director Michael Christopher Mathay, nasa P2.2 bilyon ang available na relief resources.
“This is cash and iyong cost of stockpiles natin. Ito iyong mga food and non-food items. Iyong food times is iyong family food packs. Tapos iyong non-food items ay iyong mga kitchen kits, hygiene kits, sleeping kit, and family kit (containing clothes for the whole family),” dagdag ni Mathay.
Nasa P1.8 bilyong stockpile aniya ang available.
Tinatayang nasa 3.2 milyon katao mula sa mahigit 5,000 barangay ang naapektuhan ng bagyo at habagat.
Kabilang sa mga nabigyan ng ayuda ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western, Eastern, at Central Visayas, Davao region, Soccsksargen, at Cordillera Administrative Region.





Comments