top of page
BIDA - BELA ARCAL, TODO-PAAWA SA PBB, MADIR SINIRAAN, NIRESBAKAN_FB Circulated.jpeg

P1M ilegal na mineral ores, nasabat

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | November 5, 2026



Mineral ores nasabat - ZSPPO-PIO

Photo: Mineral ores nasabat - ZSPPO-PIO



Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang ilegal na mineral ores sa magkahiwalay na operasyon sa Brgy. Dulop, Dumingag, Zamboanga del Sur.


Sa pinakahuling operasyon alas-2:50 ng hapon nitong Martes, nasita ang isang 10-wheeler truck na may kargang nasa 300 sako ng mineral ores at 34 sako ng ipa.

Ayon kay Police Capt. Derf Jay Maquinta, tinatayang 15,000 kilo ang kargang mineral ores na nagkakahalaga ng P535,000.


Tumakas umano ang driver at iniwan ang trak nang papalapit na ang mga pulis at tauhan ng environmental authorities.


Kinumpirma ng deputized personnel ng Mines and Geosciences Bureau Region-9 (MGB-9), matapos ang paunang inspeksiyon, na mineral resources ang laman ng mga sako.

Isinuko ang trak at kargamento sa Task Force PENRO-Zamboanga del Sur bago ilipat sa MGB-9 para sa kaukulang legal na proseso.


Ilang araw bago nito, nasabat din sa parehong barangay ang 379 sako ng hilaw na mineral na may bigat na tinatayang 18,950 kilo at market value na hindi bababa sa P500,000.


Narekober ang mga ito alas-12:50 ng tanghali noong Oktubre 31 sa Purok 7, Brgy. Dulop, at isinuko sa Task Force PENRO-Zamboanga del Sur sa Barangay Dao, Pagadian City.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page