top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

P124.5 milyong ipinababalik sa senador, inungkat… BELA, PINATUTSADAHAN SI SEN. BONG

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2020
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 4, 2020




Simple lang ang reaksiyon ni Bela Padilla sa pagsusulong ni Senator Bong Revilla, Jr. sa pamimigay ng pamahalaan ng face mask sa publiko.


Walang diretsong sinabi ang actress, kundi ang post lang niya sa socmed ay "P124.5 M can buy 1,245,000 face masks. #justsaying" kasabay ng pagbahagi ng isang link ng write-up tungkol sa pagsulong ng senador na mamigay ng libreng face mask at face shield ang pamahalaan.


Ang P124.5 M ay ang isyung kinasasangkutan ng senador na ipinababalik ng Ombudsman.


May mga nag-react sa patutsada ng actress. Sey ng ilang netizens…


“TRUE. Dapat ibalik n'ya 'yung kinurakot n'ya at gamitin pangsustento para sa covid-19 nang hindi ang mamamayan ang kumakalbaryo sa mga inuutang n'yo na napupunta lang sa bulsa ng mga kurakot na pulitiko.”


“Witty Bela. Napaisip ako ru'n.”


“Yes! Hanggang 'di n'ya ibinabalik, lahat ng kuda niya, 'yan ang sagot natin!”


Tanong lang po. Hindi ba’t kaya na-acquit at napawalang-sala na ang senador ay dahil napatunayan niya sa hukuman na walang basehan ang kasong inaakusa sa kanya?


Hindi pa rin kaya naniniwala ru'n si Bela Padilla para magpatutsada nang ganu'n kay Sen. Bong?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page