P116 M niya sa bangko, kinuha raw ng mister…CLAUDINE, IDINEMANDA SI RAYMART DAHIL SA PAYO NI VILMA
- BULGAR
- Jan 5, 2024
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | January 5, 2024

Isa sa mga factors kung bakit itinuloy na ni Claudine Barretto ang demanda sa estranged husband niyang si Raymart Santiago ay dahil sa payo na rin ng nag-iisang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto.
Ito ang kuwento ni Clau sa panayam sa kanya sa vlog ni Luis Manzano na in-upload sa YouTube channel nu’ng Enero 2 at sa ngayon ay may 689,000 views na habang isinusulat namin ang balitang ito.
Nagsama sina Ate Vi at Clau sa award-winning movie na Anak noong 2000 mula sa direksiyon ni Rory Quintos. Mula noon ay naging malapit na sa isa’t isa ang dalawang aktres at nagsilbing tagapayo ni Claudine ang ina ni Luis nang malaman ang nangyari sa personal nitong buhay.
Pag-amin ni Claudine kay Luis na payo raw ni Ate Vi sa kanya, “Magdemanda ka.
Ipaglaban mo ang pagiging nanay mo. Ipaglaban mo ‘yung pagiging asawa mo.
Ipaglaban mo lahat ‘yun. Kunin mo kung ano ‘yung nawala sa ‘yo!”
Hindi naman nagulat si Luis sa kuwento ni Clau dahil alam nito lahat kung paano naisalba ng mommy niya ang itinuring niyang ‘ate’ sa mga pinagdaanan nito sa buhay.
Nagkaroon na raw ng unang court case ang estranged couple at tungkol ito sa Custody at Violence Against Women and Children o VAWC dahil isa siyang battered wife at nagkaroon pa ng Post-Traumatic Stress Disorder o PTSD.
Kuwento ni Claudine, binawi niya ang VAWC dahil, “Nakiusap ‘yung ex-husband ko na i-drop ‘yung VAWC kasi nga nagkaroon na ng warrant of arrest and nahihirapan ako kasi ayaw ko namang makulong ‘yung tatay ng mga anak ko.
“Pero I never brought up the money issue, so, tapos na ‘yun. Nag-stop na du’n and then hindi na naman siya sumunod sa support (financial obligations), hindi na siya sumunod du'n sa ipinramis niya.
“And ngayon we’re going the annulment naman, we’re going into the process, kaya lang, 'yun na naman, may custody. How can you ask for custody, Sabina is 19 years old, Santino is 16 years old? So, it’s impossible, nanggugulo lang.
“Sana, diretso na lang, annulment na lang and ‘yung properties, ‘yung bahay (katas ng mga serye ng aktres sa ABS-CBN)… Ngayon nagkakaproblema sa properties.”
Ngayon na lang naisip ni Claudine na isama sa kaso ang properties dahil kailangan na ito ng mga anak nila ni Raymart lalo't si Sabina ay mag-aaral sa ibang bansa at si Santino ay sa Brent International School.
Aniya kay Luis, “Alam naman natin kung gaano kamahal iyon and since hindi naman niya (Raymart) naibibigay ‘yung support na order ng korte at iyon ang sinasabi ng Mama (Ate Vi) mo na ipaglaban mo."
Sa hundred of million na personal money ni Claudine, “Ang iniwan sa akin was 25,000 pesos. Sa isang bangko pa lang was like, PHP116 million. Isang bangko pa lang 'yun.
And iniwan was PHP25,000.
"And I don't know kung kahit and/or ‘yan, dapat sinasabihan ka ng bangko, 'di ba? Ang ibinalik lang niya sa akin nu'n, during that time, was PHP7 million.
"We were still together. Kasi nga, kukunin pa niya sa sino 'yung mga pinagtaguan niya nu'ng perang 'yun."
Ayaw daw niyang matawag na "magnanakaw" ang tatay ng kanyang mga anak kaya hindi niya inilaban noon ang kanyang pera.
"But now na lumalaki 'yung mga anak ko, tapos kukunin mo 'yung bahay, 'yung bahay namin, du'n na, 'yun na 'yung sinabi ng lahat ng tao, 'Okay. Magba-VAWC na tayo.' Kukunin ko na kung ano 'yung dapat sa akin. Maglabasan na tayo. Sige na.'
“It's ongoing,” saad ng aktres.
Dagdag pa niya, “And your mom said na ‘Continue working kasi nandiyan na ‘yung mga trabaho mo pero ipaglaban mo, kunin mo kung ano ‘yung para sa ‘yo.'"
Pero nilinaw ni Claudine na kahit may problemang legal sila ni Raymart, hindi naman naaapektuhan ang mga anak niya.
“I never had a problem with Sabina. She doesn't give me problems. Santino never gave me problems also. In-explain ko na, 'I have to fight for this. Dapat noon ko pa ginawa.'
“I asked for their blessing. Kasi actually, ayoko naman talaga sila i-drag dito. Pero 'yung sa custody part na 'yan, kailangan nila ulit umupo sa witness stand."
Ang pagkakamali raw ni Claudine ay, “Wala akong prenup. Ang pinakamalaking mistake na nagawa ko sa buhay ko is wala akong prenup. Blood, sweat, and tears 'yun, eh, literal.
“Para sa mga anak ko 'yun, para ganyan, 'yun 'yung pinaka-lowest ko na pinagdaanan, financially,” lahad ng aktres.
Bukas ang BULGAR sa panig ni Raymart Santiago o ng kampo nito tungkol sa isyung ito.
Commentaires