top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P106-B budget sa 4Ps, para lang sa totoong mahihirap, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

@Editorial | September 8, 2020



Aabot ng P106 bilyon ang inilaang pondo para sa 4.3 milyong pamilya na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa susunod na taon.


Ang naturang halaga ay nakapaloob sa P169.3 billion 2021 budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Napag-alamang ang nasabing pondo ay mas mataas ng P5 bilyon kumpara sa P101 bilyong alokasyon ngayong 2020.

Sa ngayon, nakatatanggap umano ng P1,500 ang bawat kuwalipikadong pamilya sa kondisyon na nag-aaral ang kanilang mga anak at dumadalo sa family development sessions.



Anumang halaga na mula sa gobyerno para sa mahihirap ay masasabing malaking tulong na lalo sa panahon ngayon na dumaranas tayo ng pandemya. Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga negosyo.


At itong regular na ayuda sa pamamagitan ng 4Ps ay masasabing makakaalalay na rin sa ilang pangangailangan ng mag-anak.


Gayunman, patuloy ang panawagan na busisiing mabuti ang listahan ng mga benepisaryo.


At kung nangangahulugan ang dagdag-pondo ng karagdagang pamilya na matutulungan, tiyakin natin na ang mga mapapasama sa listahan ay talagang mahihirap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page