P1 dagdag-presyo sa gasoline, P.50 diesel, P.30 gasoline
- BULGAR
- Mar 22
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | Mar. 22, 2025

Photo File: FP
Matapos ang serye ng rollback, babawi sa susunod na linggo ang mga kumpanya ng langis dahil sa inaasahang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, aasahan ang pagtaas ng presyo ng gasolina, krudo at kerosene.
Ang inaasahang taas-presyo ay ang sumusunod;
Gasoline - P0.60 hanggang P1.00
Diesel - P0.10 hanggang P0.50
Kerosene - P0.10 hanggang P0.30
Ang taas-presyo ay dahil sa tumataas na tensiyon sa Gitnang Silangan matapos maglunsad ng military strike ang Estados Unidos sa Houtis; gayundin ang ipinalabas na hakbang ng China upang pataasin ang kanilang konsumo.
Inaasahang mag-aanunsyo ng taas-presyo ang mga kumpanya ng langis na magiging epektibo ng Martes.
The article effectively reports on upcoming fuel price hikes in the Philippines, detailing specific increases for gasoline, diesel, and kerosene. It provides clear context by explaining the causes, including Middle East tensions and China's consumption measures. The information is timely and relevant for local consumers.
Your trusted digital platform for authentic I Ching consultations enhanced by AI technology.
i ching online