P1.39M halaga ng shabu nakumpiska, 3 suspek arestado
- BULGAR

- Sep 19, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 19, 2020

Nakakumpiska ng mahigit sa P1.39 milyong halaga ng tinatayang 205 gramo ng shabu ang awtoridad mula sa mga suspek sa isang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga, ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3).
Sa isinagawang operasyon ng kawani ng Police Station 4 ng Angeles City Police Office, naaresto ang tatlong suspek na kinilala ni PRO Regional Director P/Brig. Gen. Rhodel Sermonia bilang alyas Sunny Pelle y Avila, Ashraf Tumawis y Faisal at Michael Garcia y Dela Cruz.
Nakarekober ang pulisya mula sa mga suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu at dalawang piraso ng knot-tied transparent plastic sheets na naglalaman ng shabu na may bigat na 205 gramo na tinatayang P1,394,000 ang halaga.
Sinampahan na ng kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek.





Comments