top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P1.04B pondo para sa bike lanes, hiling ng DOTr

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 20, 2020




Iminungkahi ng Department of Transportation (DOTr) na dapat maglaan ng P1.04 billion pondo para sa paglalagay ng bike lane sa Metro Manila bilang alternate mode ng mga siklista sa panahon ng pandemya.


Gayundin, manggagaling ang budget mula sa Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) bill, kung saan papayagan ito ni Presidente Rodrigo Duterte dahil ang pondo ay nakalaan para sa health crisis ng bansa, ayon kay Transportation Assistant Secretary Mark Steven Pastor.


Ayon kay Pastor, ang “dedicated, protected” bike lanes ay ilalagay sa outermost lanes ng circumferential, radial at major roads sa kahabaan ng 644 kilometers. Kailangan na may 1.2 hanggang 1.5-meter wide bike lanes sa pagitang ilalagay na permanent barriers at hindi mga plastic barriers.


“Ang atin pong direksyon talaga ngayon ay ang promosyon po ng active transport dahil maganda po ito, mababawasan ang ating sasakyan sa kalsada,” sabi ni Pastor.


“Maipo-promote din natin ang mas magandang kalusugan po ng ating mga kababayan.”


Samantala, nakatakdang ratipikahan ng mga mambabatas ang P140-billion Bayanihan 2 bill ngayong araw, August 20.


Gayunman, inaasahan ng transportation department na maisasagawa sa susunod na linggo ang temporary bike lane sa mga lugar malapit sa mga ospital sa Manila at Quezon City, bilang tugon na rin sa hiling ng health workers, sabi ni Pastor.


Bahagi ang bike lanes ng national transport policy noon pang 2017 ng National Economic and Development Authority, ayon po kay Pastor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page