P-Duterte, iuulat ang mga nagastos sa laban kontra-COVID-19 pandemic
- BULGAR

- Aug 24, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 24, 2020

Nakatakdang iulat sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi ang mga nagastos ng pamahalaan sa laban kontra-COVID-19 ayon kay spokesman Harry Roque.
Saad ni Roque, “Mag-a-address po ang ating Presidente. Isa po sa hiningi ni Presidente ngayon para sa talumpati niya ay ‘yung report sa lahat ng ahensiya ng gobyerno kung paano po nagastos ‘yung lahat ng COVID-related expenses.
“Ire-report po ‘yan ng ating Presidente.”
Giit pa ni Roque, “Wala pong itinatago ang Presidente at ang Malacañang. Lahat po ng gastos, lahat po ng pera na ginastos para sa COVID-19, napunta po ‘yan para sa COVID-19 response ng gobyerno.”





Comments