P-Du30, nakatanggap na ng booster shot
- BULGAR

- Jan 7, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 7, 2022

Inanunsiyo ng Malacañang ngayong Biyernes na natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang booster shot na Sinopharm vaccine laban sa COVID-19.
“Sa declaration niya kagabi sa Talk to the People, it appears na nakapag-booster na si Pangulo at Sinopharm ang nagamit,” sabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles.
“Doon iyon sa sinabi niya kagabi, sa Talk to the People,” dagdag ng opisyal.
Ang Talk to the People ni Pangulong Duterte na ipinalabas nitong Huwebes ng gabi ay isang taped address.
Matatandaan na ang 76-anyos na Pangulo ay nakatanggap ng unang dalawang dose ng COVID-19 vaccine ng Sinopharm na isang Chinese brand.








Comments