top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P-BBM, ‘pusong bato’, dedma sa pakiusap ng mga tsuper at operator sa phaseout ng traditional jeepney

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 24, 2024


MISMONG DBM NA NAGSABI, DEPED CONFI FUND INI-REALIGN SA MGA PRIORITY PROJECTS KAYA’T DAPAT TANTANAN NA NG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIANS ANG PANINIRA KAY VP SARA -- Nilinaw ni Sec. Amenah Pangandaman ng Dept. of Budget and Management (DBM) na ang ni-request noon ng Dept. of Education (DepEd) na confidential fund ay ini-realign sa mga priority projects na may kinalaman sa edukasyon ng mga bata sa bansa.


‘Yan ha, si DBM Sec. Pangandaman na nagsabi n’yan, kaya dapat tantanan na ng mga anti-Duterte politicians ang isyung “confi funds” na paninira nila kay Vice President, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio, period!


◘◘◘


DAPAT MARCOS ADMIN ANG NAGBIBIGAY NG TRABAHO SA MGA WALANG HANAPBUHAY AT HINDI TINATANGGALAN NG TRABAHO ANG MGA MAY HANAPBUHAY -- Isang linggo na lang ay wala ng hanapbuhay ang mga tsuper at operator ng mga traditional jeepney at UV express kasi sa February 1, 2024 ay tatanggalan na sila ng trabaho ng Marcos administration dahil ipapawalang-bisa na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga prangkisa nila sa kanilang mga ruta, ipagbabawal na silang bumiyahe at ang papayagan na lang ay ang mga public transport na nakapaloob sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.


Pambihira naman ‘tong Marcos admin, imbes magbigay ng trabaho sa mga walang trabaho eh, tila ang polisiya ay tanggalan ng hanapbuhay ang daan-daang libong tsuper at operator ng mga traditional jeepney at UV express, boom!


◘◘◘


P-BBM, MAY ‘PUSONG BATO’ PALA – “Pusong bato” pala si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM).


Nakikiusap na kasi sa kanya ang mga tsuper at operator ng mga traditional jeepney at UV express na huwag nang ituloy ang pag-phaseout sa kanilang mga pinapasadang sasakyan, pero dinededma lang sila ng Presidente, tsk!


◘◘◘


DAPAT IPA-TOKHANG NI GEN. IBAY ANG MGA NANGRARAKET SA MAYNILA -- Patuloy na namamayagpag ang lotteng at bookies nina "Lorna," "Boy Abang," "Paknoy" at "Alvin" sa Maynila.


Dapat nang ipa-tokhang ni Manila Police District (MPD) director, Brig Gen. Arnold Thomas Ibay ang mga gambling lords na ito para matigil na ang pangraraket nila sa mga Manileño, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page