top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P-BBM, ‘pag walang naipakulong na smugglers, lokohan na ‘to!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 7, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 7, 2023



DAPAT BAWIIN ANG P49-M NA IBINAYAD SA DDB PHILIPPINES KASI KUNG HINDI LALABAS NA ‘NA-ROB’ (NAHOLDAP) ANG ‘LOVE THE PHILIPPINES’ -- Dahil sa mga kawalanghiyaang ginawa ng DDB Philippines, sa isinapubliko nilang mga video na kuha sa ibang bansa para sa bagong slogan na “Love the Philippines” na nagdulot para lumabas na katawa-tawa sa buong mundo ang Pilipinas, ang dapat na gawin ngayon ni Sec. Christina Frasco ng Dept. of Tourism (DOT) ay bawiin ang P49 million na ibinayad sa ad agency na ito.


Kasi kung hindi babawiin ang ibinayad sa DDB Philippines, lalabas na ang ginastang P49-M para sa promotion ng “Love the Philippines” slogan ay “Na-Rob the Philippines,” period!


◘◘◘


MGA MARCOS LOYALISTS AT DDS LANG ANG NAGSASABI NA GUMINHAWA ANG KANILANG PAMUMUHAY -- Hati ang opinyon ng mga mamamayan patungkol sa ibinida ng mga Marcos appointee sa Philippine Statistics Authority (PSA) na kesyo bumaba na raw sa 5.4% ang inflation rate sa Pilipinas.


May mga nagsasabi na hindi raw ramdam ang 5.4% inflation rate kasi mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin at bayarin, at may mga nagsasabi naman na ramdam daw nila na guminhawa na kanilang pamumuhay.


Ah, siyanga pala, ‘yung mga nagsasabing guminhawa na ang kanilang pamumuhay kahit mataas pa ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa bansa, ay sila ‘yung mga Marcos loyalists at mga Duterte Diehard Supporters (DDS), boom!


◘◘◘


MGA UTO-UTONG BOTANTE ANG DAHILAN KAYA HINDI UMASENSO ANG ‘PINAS -- Hindi totoo ang sinasabi ng ilan na ang mga krititko raw ng gobyerno ang dahilan kaya hindi umaasenso ang Pilipinas.


Ang totoong dahilan kaya hindi umaasenso ang Pilipinas ay dahil sa mga uto-utong botante. Kasi kada eleksyon ay harap-harapan na silang inuuto ng mga traditional politician (trapo) na maglilingkod daw nang tapat sa bayan at mamamayan, ay mga nagpapauto naman, iniluluklok ng mga uto-uto sa puwesto ang mga kurakot na trapo, period!


◘◘◘


KAPAG KAHIT ISA WALANG NAIPAKULONG SI P-BBM, LALABAS NA PANG-UUNGGOY LANG ANG KAMPANYA NIYA LABAN SA AGRI-SMUGGLERS -- Makalipas ang isang taon ay saka lang iniutos ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa mga law enforcement agency na tugisin, sampahan ng kaso at ikulong ang mga agri-smugglers sa ‘Pinas.


Malalaman lang ng mamamayan na totoo ang direktibang ‘yan ni P-BBM kapag naipakulong na ng Marcos admin ang mga agri-smugglers na sina "Leah Cruz," "Michael Yang," "David Bangayan," "Paul Teves." "Manuel Tan, " "Andrew Chang," "Jun Diamante," "Lujene Ang," "Beverly Peres," "Lucio Lim" alyas "Aaron" at "Michael Ma," pero kapag kahit isa sa mga ‘yan ay walang naipakulong ang gobyerno, isa lang ang ibig sabihin niyan, na pang-uunggoy lang sa publiko ang kampanya ni Bongbong laban sa mga agri-smugglers, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page