top of page

P-BBM at pamilya, titira sa Bahay Pangarap — Romuladez

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 1, 2022



Nagpasya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na piliin ang Bahay Pangarap na kanyang opisyal na tirahan, ayon kay Philippine Ambassador to the United States na si Jose Manuel Romualdez ngayong Biyernes. Nitong Huwebes, si Marcos ay nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.


“I think, from what I’ve told, the First Family will be staying in the Pangarap which is on the other side of the Palace. It’s been renovated right now, in the meantime they’re still staying in another place but Mrs. Marcos has always stayed in her own place all these years... I’m talking about Mrs. Imelda Marcos,” pahayag ni Romualdez, kaanak ni Pangulong Marcos, sa CNN Philippines.


Matatagpuan ang Bahay Pangarap sa loob ng Malacañang Park, na nasa kabilang bahagi ng Pasig River kaharap ng presidential palace.


Ang complex nito ay ginagamit noon na recreational retreat ng mga dating presidente, na unang na-introduce sa panahon ng yumaong Pangulong Manuel Quezon noong 1936.


Sa panahon ng kanilang panunungkulan, sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at yumaong Pangulong Benigno Aquino III ay nanirahan sa Bahay Pangarap.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page