top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Overseas voting, bantayang maigi, fake news out!!!

BULGAR
Apr 12, 2022
1 min read

@Editorial | April 12, 2022


Umarangkada na ang botohan ng mga Pinoy sa iba’t ibang bansa.


Tulad ng inaasahan, hindi maiwasan na magkaroon ng aberya.


Sa Hong Kong, naging “chaotic and disorganized” umano ang unang araw ng overseas voting para sa 2022 elections.


Batay sa ulat, may mga voting precinct sa HK ang hindi umano nakapag-accommodate ng mga botante. At dahil isa sa kondisyon ng gobyerno ng HK ay ang mahigpit na pagsunod sa anti-pandemic measures lalo at nakararanas doon ng ikalimang wave ng surge ng COVID-19 cases, pinauwi muna ang ibang Pinoy kaya hindi nakaboto.


Apela ng konsulada sa mga Pinoy, magpunta sa ibang araw para maiwasan ang siksikan.


Ang overseas voting ay tatagal hanggang sa Mayo 9 pa, mahaba-haba pa ang panahon.


Samantala, sa Singapore naman, isang botante ang nag-post online at sinabing ‘pre-shaded’ na umano ang kanyang natanggap na balota.


Bagay na agad namang nilinaw ng Comelec. Paliwanag nila, kapag pumunta sa voting booth, tapos ibinalik saka sasabihing pre-shaded na, hindi na katanggap-tanggap ang rason na ito. Kapag ibinibigay umano ang balota, pipirma ang botante na patunay na walang isyu sa kanyang natanggap, ito ay malinis at walang shade. ‘Pag du’n pa lang nakita na ng botante na shaded, hindi na tatanggapin dapat ang balota.


Kasabay nito, ipinaalala ng ahensiya na maging maingat at iwasang pagmulan ng ‘fake news’. ‘Ika nga, think before you click.


Masyadong maingay ang halalan ngayong taon, mainit ang bakbakan, hindi puwedeng makalusot ang maling impormasyon na puwedeng mauwi sa gulo.


Sagrado ang botohan, nakasalalay dito ang ating kinabukasan, huwag nating hayaang mabahiran ng anumang katiwalian at kasamaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page