Ospital ng Muntinlupa, puno na
- BULGAR

- Jul 17, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | July 17, 2020

Kinumpirma ni Mayor Jaime Fresnedi nitong biyernes na ang ospital ng Muntinlupa ay puno na para sa mga pasyente ng COVID-19 at hindi na sila makatatanggap pa ng mga bagong pasyente na apektado ng COVID-19.
Sinabi niya sa kanyang facebook account na, “Hindi po naiiba ang sitwasyon sa ating Ospital ng Muntinlupa (OsMun)”.
"Bagamat maaga ang naging paghahanda—nagdagdag ng manpower at kagamitan, nag-augment ng bed capacity, ginawang prayoridad ang COVID-19 treatment—naabot na rin po ng ating ospital ang full bed capacity para sa coronavirus patients,"
"Sinisikap po ng OsMun hanggang sa abot nang makakaya na makatulong, subalit maaaring hindi ma-accommodate sa ngayon ang mga bagong pasyente ng COVID-19,"
“Gayunpaman, patuloy pa ring operational ang outpatient department (OPD) para sa non-Covid concerns tulad ng check-up at iba pa.”
“Lubha mang nakakabahala ang sitwasyon, mas kailangan po nating magpakatatag.”
“Tandaang bawat isa sa atin ay may magagawa para maiwasang mahawa at makapanghawa ng virus.”
“MAGING MAINGAT at sumunod sa health and safety protocols PARA SA KALIGTASAN NG INYONG PAMILYA.”
Nauna na ring sinabi ng mga ospital Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines in Quezon City, Makati Medical Center, and St. Luke's Medical Center in Quezon City and Taguig City na puno na rin umano kaninang COVID-19 facilities.




Comments