top of page

Osorio binigo si Eala tungo sa Philippine Women's Open semifinals

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang @Sports | January 30, 2026



Photo: Todo lakas na nagpakawala ng pag hampas sa bola si Pinay Netter Alexandra Eala upang hindi maagapan ng katunggaling si Camila Osorio ng Belgium ng mag harap sila sa Quarterfinals ng ginaganap na Philippine Women's Open Women's Tennis Association 125 sa Rizal Memorial Tennis Center. - Patuloy naman sa pag sagot sa pag palo ng bola si Belgium Netter Camila Osorio sa kasagsagan ng aksyon nila sa Philippine Women's Open Women's Tennis Association 125 quarterfinals sa Rizal Memorial Tennis Center (Reymundo Nillama)



Pinagsamang lakas at walang mintis na hataw ng raketa, binigo ni Colombia's Camila Osorio si Filipina pride Alex Eala 6-4, 6-4 to para makapasok sa semifinals ng Philippine Women's Open sa napuno nang fans na Rizal Memorial Tennis Center kagabi.


Hindi pinalad si Eala sa mga kamay ji Osorio, seeded No. 5, na makalapit da tsansang makamit ang semis sa sariling balwarte sabay na ikinalungkot ng lahat ng kanyang local fans na todo suporta sa kanya.


Nakatakda ang all-South American clash nina Osorio at Argentine Solana Sierra na pinatalsik si Thai Lanlana Tararudee 6-4, 6-3 para sa isa pang semis ngayong Biyernes.

Habang pahinga na si Eala ay nakatutok ang local fan sa popular na si Croatian Donna Vekic na umangat ang laro nang talunin si Chinese Zu Lin sa straight sets 6-4, 6-3 para sa semis ticket.


Nakaabang kay Vekic.si Russian Tatiana Prozodova, na ginapi si German top seed Tatjana Maria at Belgian Sofia Costoulas 4-6, 6-2, 6-4.


"Sayang, sayang, hindi nakapasa. It wasn't for me today and congratuations to Camila," ani Eala agad matapos ang pahirapang hatawan kontra beteranang Colombian, na nakaabot sa 2nd round ng French Open ng tatlong beses at twice sa US Open.


"I didn't mind the home fans at all, and it was still a tough match. I just played better," saad naman ni Osorio sa una niyang laban sa Filipina sa torneo na nagsisilbing unang proyekto National Sports Tourism-Inter Agency Committee sa pamumuno ni PSC Chairperson Patrick "Pato" Gregorio.


Sa women's doubles, binigo nina Taiwanese Cho I-hsuan at Cho Yi-tsen ang tandem nina Thai Mananchaya Sawangkaew at Chinese Ye-xin Ma 6-3, 6-4 para makatuntong sa semifinals.


Pasok na rin sa semis ang No. 1 seed American pair nina Quinn Gleason at Sabrina Santamaria na inilaglag sina Taiwanese Li Yu-yun at Japanese Sara Saito 6-2, 6-3.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page