ORO, PLATA, MATA
ni Lucifera @Lagim | October 31, 2023
Kung babalikan ni Orange ang mga pangyayari, nagsimula ang lahat ng pagbabago sa kanilang pamilya mula nu’ng lumipat sila ng bahay. Ang nais lamang ay magkaroon sila ng komportableng pamumuhay at ang inakala niyang pinakamagandang solusyon ay ang paglipat sa mas malaking bahay.
“Bakit ba kailangan n’yo pang lumipat?” Nagtatakang tanong ng kanyang mga kapitbahay.
Ngumiti siya, hindi niya na kailangan magpaliwanag sa mga ito pero pinili pa rin niyang sagutin ito na may buong paggalang. “Para po hindi na kami magsiksikan.”
“Puwede n’yo naman ipa-renovate na lang ‘yan. Mas maganda ‘yun kaysa lumipat pa kayo.”
“Mas okey po kasi na paupahan na lang namin ‘yan, kaysa gumastos pa kami sa pagpapa-renovate.”
“Siguro malaki ang bahay na lilipatan n’yo? Sikat na kasi kayo, kaya paniguradong malaki at magandang bahay na ang bibilhin n’yo. Baka naman makalimutan n’yo na kami rito, ah?”
“Naku! Hindi ho mangyayari ‘yan,” wika niya. Nais niya sana itong bolahin pero na-realize niya na totoo ang mga salitang binibitawan nito, nu’n mga panahon kasi na naghihirap sila, ang dumamay lang sa kanya ay walang iba kundi ang kanyang mga kapitbahay.
“Magiging masuwerte ang mga taong uupa r’yan sa bahay n’yo.”
“Paano n’yo ho nasabi?”
“Suwerte kaya ang bahay n’yo, ‘di ba nabili mo rin ‘yan?” Tanong nito.
Marahan siyang tumango. “Kaya, sana hindi n’yo pakawalan ang suwerteng nasa inyong kamay.”
Hindi niya alam kung bakit niya naalala ang ganu’ng eksena, basta may kakaiba siyang nararamdaman. Para kasing may kinalaman ang tinitirhan nila kaya mabilis na nagbago ang kanilang buhay. Nang magtanong siya tungkol sa bahay na kanilang nilipatan ay hindi niya mapigilan ang mapasinghap sa kanyang natuklasan. Labis siyang natakot, at kasabay nito ang pagtaas ng kanyang balahibo.
Tatapusin…




Comments