top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

ORO, PLATA, MATA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2023
2 min read

ni Lucifera @Lagim | October 29, 2023


Napatingin si Orange sa kanyang Kuya Vince na may hawak ng camera, Tita Meldy na kasama rin sa eksena at ang kanyang cute na pamangkin na si Libby, 8 taong gulang.


“Narinig n’yo ‘yun?” Pagtatanong niya kahit na kita naman sa mukha ng mga ito ang kasagutan.


“Ako po nakita ko po,” pagmamalaking sagot ni Libby, kaya lahat sila ay napatingin dito.


Gilalas siyang napatingin sa pamangkin. “Ano’ng nakita mo?”


“Matandang lalaki na may hawak na gintong attaché case at tungkod,” wika ni Libby saka humagikgik.


“Bakit?”


“Bumalik pa po kasi siya saka kumaway. Ang sabi niya sa akin, dadami raw ang pera ko,” excited nitong sabi at pumalakpak. Kahit naman kasi bata pa ito ay alam na niya kung paano papahalagahan ang salapi. Kaya nga rin ito pumayag na maging parte ng vlog ay dahil sa perang naibibigay dito. Gayunman, gustung-gusto rin naman nito ang kanyang ginagawa.


“Bibigyan ba niya tayo ng pera?” Tanong ng kanyang Kuya Vince.


“Maraming-marami,” wika nito saka mabilis na itinaas ang kamay na humugis ng pabilog, at para bang ibig nitong sabihin na gabundok na pera.


Napangiti rin siya sa sinabi ni Libby. Talaga naman kasing nakaka-excite magkaroon ng maraming pera. Nawala ang takot niya matapos niyang narinig ‘yun sa kanyang pamangkin.


“Oh, hala, i-edit mo na ang video natin ngayon at nang makita natin kung yayaman ba tayo nang husto,” wika ni Tita Meldy.


Agad niya naman itong sinunod dahil gusto rin niyang malaman kung totoo nga ba ang sinasabi ni Libby at ganu’n na lang ang panggilalas niya upang mas dumoble ang kanilang kita sa pagba-vlog.


Saya sana ang dapat na maramdaman ng lahat, pero hindi niya inakala na ‘yun na pala ang magiging simula nang pagkawatak-watak ng kanilang pamilya na labis niyang ipinagtataka, nang sumahod siya sa kanyang vlog ay dinagdagan din niya ang perang binibigay niya sa kanyang pamilya pero parang hindi ito naging sapat.

Itutuloy…



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page