Wais na paraan sa pagpili ng tamang kandidato
- RJ Nieto
- Feb 20, 2019
- 3 min read

KAHIT isa lang tayo sa mahigit 50 milyong botante sa bansa, gusto nating maximum ang impact ng boto natin. Ito ang isinaalang-alang natin sa ating magiging voting strategy para sa May 2019 na siyang idi-discuss natin ngayon. Malay mo, makapulot ka pa ng ideya, ‘di ba?Ilista muna natin ‘yung mga obserbasyon natin sa kampanyahan ngayon:
Una, ayaw nating manalo ang kahit sinong taga-Liberal Party dahil na-trauma na tayo sa ‘Yolanda’, Mamasapano at Dengvaxia. In short, ayaw natin manalo ang kahit sino sa “Otso Diretso”.
Ikalawa, may kandidatong halos sigurado nang mananalo. Kahit sabihin nating may dugasan sa survey results, medyo sure tayong pasok na talaga ‘yung mga nasa Top 5.
Ikatlo, labu-labo pa ang Top 6 pababa. Puwede pang may maligwak d’yan sa totoo lang.
Ikaapat, ang mga mga kandidatong matapat talaga at maganda ang hangarin, kahit kaunti lang ang performance sa survey.
Ikalima, kahit tapat at maganda ang plataporma kung todo-sablay sa survey rankings, malabung-malabo ang panalo.
Ikaanim, may chance na dugasin na naman ng Comelec ang automated election system. Kung hindi natin pupunuin ang 12 slots para sa senador, baka magka-PCOS ‘magic’ at dagdagan ng makina ang shading ng balota natin.
Gamit ang anim na obserbasyong ito, napag-isipan nating hatiin ang iboboto natin into two groups: Idealistic votes at strategic votes.
Kapag sinabi nating idealistic, ‘yun ang mga pinakamatalino at pinakamatapat na kandidato. Sila ‘yung sa tingin natin, eh, magiging magaling na senador kung manalo.
Kapag sinabi naman nating strategic, ‘yun ang mga may talino o katapatan, pero okay pa rin na maging senador kasi mataas-taas ang chance na manalo.
Bakit hindi puro idealistic ang iboboto natin? Bakit hinaluan natin ng strategic?
Pinaghalo natin ang magiging boto natin kasi tanggap nating kahit anong tumbling natin, eh, may mga kandidato talagang malabong manalo.
Tandaan natin si dating Senador Miriam Defensor-Santiago. Siya ang pinakamatalinong kandidato noong 2016 Presidential Elections, pero alam nating mababa talaga ang chance niyang manalo.
Dahil du’n, marami sa kanyang mga supporter ang nag-strategic vote: Pumili sila ng pinakagusto nilang kandidato mula sa mga may totoong chance na manalo at marami sa kanila ang pumili kay Mayor Rodrigo Duterte.
Gets n’yo ba? Gusto nating magkaroon ng maximum impact ang ating boto kaya may strategic votes tayo.
Ulitin natin, ha? Dalawang grupo ang iboboto natin: Idealistic at strategic.
Ngayon, may naiisip na tayong ilang isasama sa idealistic vote natin, pero sigurado tayong madaragdagan ang idealistic votes natin sa mga susunod na buwan.
Para naman sa strategic votes, naisip nating nasa malamang na manalo ‘yung nasa Top 5 sa mga survey kaya nagpasya tayong hindi iboto ang kahit isa sa kanila. Mananalo naman sila kahit hindi natin iboto. Besides, hindi rin naman natin sila masyadong type.
Sa halip, pipili tayo ng strategic votes mula sa mga dikit-dikit sa survey, ‘yung mga nasa Top 6 hanggang Top 16.
Obvious naman sigurong hindi natin isasama sina Mar Roxas at Bam Aquino dahil mga die-hard dilawan ang mga ‘yan. ‘Di ba, ang dahilan ng strategic votes natin, eh, para maligwak ‘yung mga kandidatong ayaw nating manalo? Eh, ayaw nga nating manalo ang mga dilawan.
Sa ngayon, may anim tayong napupusuan sa mga nasa Top 5 to 16.
Pero wait lang, paano kung ‘yung total ng mga gusto nating iboto (idealistic plus strategic), mababa sa 12? Ayaw nating madaya ng PCOS magic, ‘di ba?
Para maiwasan ‘yan, dalawa ang puwede nating gawin: Dagdagan ang idealistic votes o mag-shade ng mga siguradong talo na siyang tinatawag nating “filler votes” para lang mabuo ang 12 senatorial slates at maiwasan ang pandurugas ng Smartmatic.
Sa ngayon, balak nating bumoto ng apat (4) para sa idealistic votes, anim (6) para sa strategic votes at dalawa (2) na filler votes.
Pero siyempre, puwede pang magbago ang isip natin bago mag-eleksiyon, pero at least, may ideya na tayo kung paano ima-maximize ang impact ng nag-iisa nating balota.





Comments