top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

One-stop shop centers para sa OFWs, malaking tulong sa ekonomiya

BULGAR
Apr 11, 2022
1 min read

@Editorial | April 11, 2022


Planong magtayo ng OFW Centers sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Ito ay para mapadali ang pag-aasikaso ng mga overseas Filipino workers ng mga kinakailangang papeles sa pagtatrabaho abroad.


Ang OFW Centers ay isang one-stop shop kung saan matatagpuan ang iba't ibang tanggapan ng gobyerno.


Napag-alaman na sampung porsyento ng ating populasyon ang nasa abroad. Madalas pa nating marinig na kahit saang bansa ay may Pinoy.


Gayunman, hindi ganu'n kadaling makapag-abroad. Maraming requirements at may kahabaan ang proseso – panahon, pagod at pera ang kailangan. Kaya bago pa makaalis ng bansa, baon na sa utang.


Kaya malaking tulong ang one-stop shop center para sa OFWs, lalo na kung itatayo ito maging sa mga probinsiya. Hindi na kakailanganing gumastos sa pasahe at mamroblema sa tutuluyan habang nag-aayos ng mga dokumento.


Ngayong panahon ng pandemya, mas kailangang magtipid at subukan na ang lahat ng puwedeng magpagaan sa ating pamumuhay lalo na sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page