Olympian star Orly Bauzon, pumanaw sa edad na 75
- BULGAR

- Sep 6, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | September 6, 2020

Pumanaw na nitong Sabado sa edad na 75 si Orlando “Orly” Bauzon, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa cardiac arrest.
Si Bauzon ay naging miyembro ng Philippine national team na lumaban sa Mexico Olympics noong 1968.
Naglaro rin si Bauzon sa University of Santo Tomas noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang.
Bukod pa rito, miyembro rin ito ng Toyota Comets team sa pagsisimula ng PBA noong 1975. Tatlong taon itong nasa team hanggang magretiro noong 1978. Siya ay nanalo ng tatlong championship sa PBA.
Bago pa ito sumabak sa Olympics, kasama rin si Bauzon sa national team na naglaro sa 1970 Asian Games at 1967 Asian Basketball Confederation Games sa South Korea.




Comments