top of page

Oktubre 10-16, "Linggo ng Lupong Tagapamayapa" — P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11, 2023
  • 1 min read

ni Angela Fernando (JT) @News | October 11, 2023



ree


Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na "Linggo ng Lupong Tagapamayapa" ang Oktubre 10 hanggang 16 ng bawat taon upang palawakin ang kaalaman ng publiko sa tungkulin ng mga opisyal ng barangay para panatilihin ang kapayapaan sa isang komunidad.


Ang proklamasyong ito ay pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Oktuber 9.


“There is a need to increase public awareness on the functions of the Lupong Tagapamayapa, and recognize the valuable contributions of the members thereof in the preservation and maintenance of peace and order in barangays,” saad ni Marcos.


Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang Lupon Tagapamayapa ay isang samahang naglalayong mabigyan ng superbisyon at masolusyunan ang mga hinaing o problema sa isang barangay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page