top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

OFWs sa Israel, mas gustong tamaan ng missile kesa mamatay sa gutom sa ‘Pinas

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 10, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 10, 2023


OFWs SA ISRAEL, AYAW UMUWI NG ‘PINAS, MAS NANAISIN NA TAMAAN NG MISSILES O ROCKETS KAYSA MAMATAY SA GUTOM SA PHILIPPINES -- Inanunsyo ng embahada ng Pilipinas sa Israel na wala pa kahit isa sa mahigit 30K overseas Filipino workers (OFWs) na naipit sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas-Palestinian Islamist ang nagpahayag na nais nilang umuwi sa Pilipinas.


Siguro, kaya ayaw nilang umuwi kahit palala nang palala ang giyera ay dahil wala naman silang inaasahang trabaho sa bansa.


Ika nga, parang mas nais pa ng mga OFWs sa Israel na tamaan sila ng mga missiles at rocket sa nagaganap na giyera, kaysa mamatay sila at ang kanilang pamilya sa gutom sa Philippines, tsk!

◘◘◘


KUNG NORMAL KAY MMDA CHAIRMAN NA BIGYAN NG VIP TREATMENT ANG MGA GOV’T. OFFICIALS SA KALSADA, KINA P-NOY AT PING LACSON, HINDI -- Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes ay normal lang daw bigyan ng VIP treatment sa kalsada ang mga opisyal ng pamahalaan.


Ganu’n, basta govt. officials ay hindi dapat matrapik, at okey na magdusa sa trapiko ang mga ordinaryong motorista at biyahero kapag may dadaang VIP sa kalsada?


Sa totoo lang, sa panahon ni yumaong Pres. Noynoy Aquino at ni former PNP chief, ex-Sen. Ping Lacson, hindi normal ang ganyan, kasi para sa kanila ay bad mag-feeling hari o reyna sa kalsada ang mga VIP, kaya nga nang maging presidente si P-Noy noong 2010 ay ipinagbawal niya ang “wang wang” sa kalsada, at nang maging PNP chief naman si Lacson noong 1999 ay ipinagbawal niya ang pag-e-escort ng mga pulis sa mga VIP, period!

◘◘◘


HINDI NA MAKAKAAHON SA PAGKALUBOG SA UTANG ANG ‘PINAS, KASI KAUUTANG LANG, NANGUTANG NA NAMAN! -- Tatlong araw matapos mangutang ang Philippine gov’t. sa World Bank (WB) ng $600 million noong October 3, 2023 ay nitong October 5, 2023 sa Asian Development Bank (ADB) naman nangutang ng $300 million ang gobyerno.


Talagang hindi na makaahon sa pagkalubog sa utang ang Pilipinas, kasi kakautang lang, nangutang na naman, boom!


◘◘◘


BUDGET NG MGA PAMPUBLIKONG OSPITAL BINAWASAN, AT CONFI FUNDS NG MGA TRAPO, APRUB AGAD SA BUDGET DEPARTMENT -- Hindi lang pala ang mga pampublikong ospital na tulad ng Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney and Transplant Institute ang binawasan ng budget, kundi pati pala Philippine General Hospital (PGH).


Ibang klase talaga ang budget secretary ngayon, sa katauhan ni Sec. Amenah Pangandaman, kasi mantakin n’yong budget sa mga pampublikong ospital na ito binawasan, tapos aprub nang aprub sa hinihinging confidential funds ng mga ahensya na ang namumuno ay mga trapo, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page