top of page

OFWs, protektahan laban sa scam

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | December 14, 2025



Editorial


Ang pagbabalik ng 71 Pilipinong nabiktima ng mga scam hub sa Myanmar ay hindi lamang masayang balita ngayong Kapaskuhan, kundi isang mahigpit na paalala sa panganib na kaakibat ng mga alok na trabaho sa ibang bansa na tila napakaganda upang maging totoo. 


Sa gitna ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at mababang sahod sa bansa, madaling mahulog sa patibong ang mga umaasang makakahanap ng disenteng hanapbuhay abroad. 


Ginagamit ito ng mga sindikatong walang konsensiya—mga alok na mataas ang sahod, walang placement fee, at mabilis ang proseso. Ngunit sa halip na marangal na trabaho, pagkaalipin, pananakot, at karahasan ang sinasapit ng mga biktima sa loob ng mga scam hub.


Kaya dapat tiyaking rehistrado ang recruiter, may pahintulot ang trabaho mula sa pamahalaan, at legal ang papasuking bansa at kumpanya.


Higit pa rito, nananawagan ang pangyayaring ito sa pamahalaan na paigtingin ang kampanya laban sa illegal recruitment, palakasin ang pagbibigay-kaalaman sa mga komunidad, at tiyaking may sapat na trabaho at disenteng sahod dito mismo sa bansa. Hangga’t nananatiling desperado ang mamamayan, mananatiling bukas ang pinto sa panlilinlang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page