OFW’s at LSI, ipinatigil ang transportasyon sa Bacolod, Iloilo at Negros Occidental
- BULGAR

- Aug 10, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | August 10, 2020

Ipinatigil ng National Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang transportasyon sa mga LSI at OFW sa Bacolod at Iloilo sa Western Visayas at Negros Occidental province na magsisimula sa Agosto 8, 2020.
Nag-apela rin ang Local chief executives tungkol sa patuloy na pagdating ng mga OFW dahil sa dumarami ang kaso sa kanilang lalawigan at puno na ang mga isolation facilities.
Pati na rin sa wastong pag-iskedyul at pagkakaunay ng mga flight at trips upang hindi mapuno ang mga pasilidad at hindi ma-overwhelmed ang mga personnel.
Ayon sa tala ng DOH ang Western Visayas ay may 1,931 kabuuang kaso ng COVID-19, at
kahapon Agosto 8, 69% o 1,335 ang mga OFW’s at LSI.





Comments