top of page
Search
BULGAR

Oftana umukit ng kasaysayan sa 4-pt shot

ni Rey Joble @Sports News | August 24, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: PBA / FB - Calvin Oftana / IG

Naunahan man ni Chris Banchero ng Meralco Bolts sa pagbuslo ng kauna-unahang 4-point shot sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association, nagawa pa ring maihulma ni Calvin Oftana ng TNT ang pangalan bilang unang player na nakapasok ng dalawang 4-point shots.


Tumipa ng 15 puntos si Oftana, kabilang ang dalawang binitiwang tirada mula sa 4-point region, habang nagdagdag pa ng 7 rebounds at tulungan ang TNT sa 101-95 panalo kontra NorthPort noong Martes ng hatinggabi. “Hindi ko naman hinanap. Opportunity lang talaga 'yun and since wala namang bantay, itinira ko na,” ang sabi ni Oftana. “Parang mas nakaka-shoot pa ako sa 4 points kaysa sa three points.”


Sa pitong three-point shots, isa lang ang naipasok dito ni Oftana, ang Gilas Pilipinas forward na siya na ngayong tumatayo bilang premyadong forward ng koponan ng Tropang Giga.


Si Oftana ay kandidato para sa Most Improved Player sa nakaraang Leo Awards, subalit natalo sa mas karapat-dapat na si Jhonard Clarito ng Rain or Shine, na kinakitaan ng malaking pag-akyat ng galing ng laro sa nakalipas na taon.


Pero napabilang si Oftana sa PBA All-Second Team bilang pagkilala sa kanyang nagawa bilang isa sa mga kamador ng TNT.     Mas determinado si Oftana na muling tulungan ang TNT na makuha ang kampeonato. Isa si Oftana, dating Most Valuable Player sa NCAA noong naglalaro pa siya sa San Beda, sa mga gumabay sa TNT katuwang ang dating Best Import na si Rondae Hollis-Jefferson.


Muling nagbabalik si Hollis-Jefferson para sa isa na naming misyon at sa muling pagsampa sa PBA, naglapat siya ng 32 puntos at 10 rebounds.        


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page