Number coding scheme, suspendido, Agosto 23-24 – MMDA
- BULGAR
- Aug 23, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 23, 2022

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang expanded number coding scheme ay suspendido ngayong Martes, Agosto 23 hanggang Miyerkules, Agosto 24, dahil sa Severe Tropical Storm Florita.
Ginawa ng MMDA ang anunsiyo kaugnay sa suspensyon ng mga klase sa public schools at trabaho sa gobyerno ng Malacañang ngayong Martes at Miyerkules dahil sa paghagupit ng Bagyong Florita.
Gayundin, ang Makati City ay nagsuspende ng kanilang number coding scheme ngayong Martes.
Ayon sa MMDA, sa expanded number coding scheme bawal ang mga sasakyan na bumiyahe, depende sa huling numero ng kanilang license plate, sa EDSA at iba pang kalsada mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.
Comentários