top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Number 2 ni mister, matapang pa sa original

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 3, 2023
  • 1 min read

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | April 3, 2023



Dear Sister Isabel,


Ang problemang idudulog ko sa inyo ay tungkol sa kabit ng asawa ko. Mas mataray siya at walang modo gayung siya ay kabit lang. Bakit ganu’n ang mga kabit? Hindi ko naman nilalahat, pero karamihan sa kanila ay ganu’n. Ito namang asawa ko ay parang sa kanya pa kumakampi.


Gusto ko nang hiwalayan ang asawa ko kahit may dalawa kaming anak dahil hindi na ako tatagal sa pakikisama sa kanya.


Tama ba ang iniisip ko na makipaghiwalay sa asawa ko? Sana ay mapayuhan n’yo ako ng dapat kong gawin.


Nagpapasalamat,

Brenda ng Batangas


Sa iyo, Brenda,


Kung kaya mong hiwalayan ang asawa mo ay gawin mo na sa lalong madaling panahon, kaysa naman ginganyan ka ng kabit niya at kinakampihan pa niya. May karapatan ka rin na ireklamo siya sa women's desk upang mabigyan ng kaukulang parusa sa asawang nilalantad ang kabit niya.


Gayunman, hingan mo siya ng sustento para sa dalawang anak n’yo para hindi ka mahirapan sa pagtataguyod sa kanila. Tungkol naman sa kabit niya, bigyan mo ng leksyon, ireklamo mo siya sa barangay para mapahiya sa ginagawa niya.


Magtanong ka rin sa abogado kung ano ang puwede mong ikaso sa kabit ng asawa mo. Idemanda mo kung kinakailangan upang matigil na sa kanyang kahangalan.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page