top of page

Noranians, maiingay lang, ‘di naman nanonood… MOVIE NI NORA, FIRST SCREENING PA LANG, TANGGAL NA SA SINEHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 30, 2025



Photo: Nora Aunor sa Mananambal - YT



O, hayan, ha? Ayaw na ayaw daw ni Bianca Umali na magpa-pressure sa panawagan ng mga fans o supporters ni Ate Guy a.k.a. Nora Aunor na kasama niya sa movie na Mananambal.


Ang iingay na naman kasi ng mga fans ni Bulilit sa socmed (social media) na walang ginawa kundi purihin nang purihin si Nora na para bang siya na lang ang nag-iisang artista sa mundo, what with their 5 continents and NA brouhaha posts.


Chinallenge pa nila ang young cast members ng movie na sipagan daw ang pag-promote dahil dapat lang silang mag-feel honored na nakasama nila ang idol nila? 

May mga nagdikta pang patunayan na malakas daw sila sa socmed dahil ‘yun ang generation nila.


Nakakaloka lang ‘noh?! Kung ‘yang mga pag-iingay ba naman nilang ‘yan ay i-translate nila sa magandang promo, sipagan nila, lumabas sila, maglikom ng pera para sa mga block screenings, at higit sa lahat ay pumila sa mga sinehan once ipalabas na ang movie, eh, di nakatulong sila kay Nora na once in a blue moon na nga lang gumawa ng pelikula, lagi pang first screening, last screening (no longer first day, last day, huh?).


And take note, parang two years ago na yata niyang nagawa ‘yan?


Tama ‘yan, Bianca, Kelvin Miranda at Edgar Allan Guzman, do your thing para hindi naman nila i-claim ang mga imposible nang mangyari sa panahong ito.


Kaya nga sa promo ng GMA-7, inilagay na ang mga mukha nina Bianca et. al, dahil ayon sa marketing strategy, hindi na nga raw keri ni Nora Aunor ang magdala ng movie. 

Aguy!



Next to Ate Vi o Star for All Seasons Vilma Santos, si Gladys Reyes na marahil ang artistang kering-kering mag-roll call ng complete names ng mga kapatid sa entertainment media.


With conviction and side stories, feel na feel mo talagang “kaibigan, kapamilya, kapuso at kapatid” ang turing ni Gladys sa mga gaya namin.


Sa pagbubukas ng ikalawang branch ng That’s Diner (nasa Sta. Lucia Mall complex sa Cainta), masayang ipinatikim ni Gladys at asawa niyang si Christopher Roxas ang mga “bulalo-based” dishes na ipinagmamalaki ng restaurant.


At dahil chef nga si Christopher, nilagyan niya ng twist ang bawat bulalo dish gaya ng Bicol express at laing (bilang Bicolano rin siya), dinakdakan, ‘yung umaapoy na chicken

atbp.. 


Sa halos 7 dishes na ipinatikim sa amin, wala talagang tapon o sayang dahil equally very good silang lahat.


Napakasuwerte talaga ng mag-asawang ito sa mga negosyong pinapasok nila. Katulong din ang mga members of their families, ‘expansion’ ang next target nila kaya’t open for franchise rin ang That’s Diner na ang 1st branch nga ay nasa Sta. Rosa, Laguna.


Sa totoo lang at tahasan namin itong sasabihin, ha, sa dami ng mga artistang nag-aral maging chef o may negosyong pagkain, namumukod-tangi sina Gladys at Christopher na nagpapakain ng kanilang mga produkto. 


Nagpapakatotoo talaga bilang chef at hindi matawag lang na chef-chef, ‘noh!


Ay, siya nga pala, may 2 Netflix movies si Gladys na ipapalabas soon at inumpisahan na rin niya ang magkaroon ng sarili niyang YouTube (YT) channel na Gladys Reyes, Glad to be With You

Naka-subscribe na kami. Hahaha!


Bukod kay Belle… JANE AT ELIJAH, PINATAY AGAD SA SERYE NINA DANIEL AT RICHARD





Ano nga kaya ang itatakbo ng story ng Incognito dahil ang ilan sa mga big stars ng series ay pinatay na ang karakter?


Sina Jane de Leon at Elijah Canlas ay imposible nang mabuhay sa kuwento unless may ipapakitang flashback sa karakter nila gaya ng inaasahan sa pinatay na ring karakter ni Cris Villanueva, gumaganap na tatay ni Daniel Padilla.


Understandable naman na pinatay na rin ang cameo role ni Belle Mariano bilang hostage, though ‘yung karakter ni Raymond Bagatsing as her father ay nandiyan

pa.


Nalilito ang mga sumusubaybay sa series dahil anila, “patayan series” daw pala

ang kuwento ng bawat project ng team nina Daniel, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings at Ian Veneracion. Nowhere to be seen pa rin ang karakter ni Maris Racal.


Although may ipinapakita nang individual plot o per story ang nasa team at dumadagdag ang mga artista, nakakaramdam ang mga manonood na in the long run ay lalaylay ang storytelling nito sa dami ng twists and conflicts.


‘Yan daw ang nagiging problema kapag lahat na lang ay may subplots. Huwag naman sana, dahil ang laki ng promise at expectations ng marami.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page