Non-essential travelers, papayagan ng lumabas ng bansa
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 7, 2020

Papayagan na ang mga ‘Pinoy na lumabas ng bansa kahit non-essential ngunit, hindi pa rin papayagan ang pamamasyal, sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Roque na tumatayo ring spokesperson ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, inaprubahan na umano ng COVID-19 task force ang pagpayag sa travel restrictions.
Magiging epektibo ang IATF Resolution No. 52 makalipas ang 15 araw magtapos ng publication sa Official Gazette.
“Lahat ng travel restrictions na may kinalaman sa outbound travel ng mga Pilipino ay inalis na rin. Bawal pa rin ang turismo pero ang mangyayari po ay pag bibiyahe may requirements na dapat ipakita sa Bureau of Immigration," sabi ni Roque sa isang press briefing.
Kinakailangan na maipakita ng traveler ang confirmed round-trip ticket at declaration acknowledging risk of traveling sa gitna ng global health pandemic. Bukod pa rito, kinakailangan din ng travel health insurance para ma-cover ang rebooking at extended accommodation expenses.
Samantala, sasailalim naman sa swab testin at 14-day quarantine ang mga pabalik ng ‘Pinas.





Comments