top of page

Non-contact Sports, idaragdag sa 2021 next season ng NCAA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2020
  • 1 min read

ni VA - @Sports | June 25, 2020




Maaari pang madagdagan ang naunang inihayag ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na pagdaraos ng apat na mandatory sports sa Season 96 sa susunod na taon.


Kinokonsidera nilang magdagdag ng sports na hindi kinakailangan ng physical contact gaya ng tennis, chess, badminton, table tennis at maging Esports ayon kay Season 96 Management Committee (ManCom) chairman Fr. Vic Calvo, OP ng Letran.

Nauna nang inihayag ng Letran na ang apat na mandatory sports lang na basketball, volleyball, track and field at swimming ang mga events na idaraos sa pinaikling season na iniurong ng Marso 2021 ang opening dahil sa COVID-19 pandemic.

“Hindi naman tayo talaga naka-fix. We are fluid. We are on serving kung ano ‘yung sitwasyon para matuloy ‘yung NCAA,” pahayag naman ni Season 95 ManCom chairman Peter Cayco ng Arellano.

“We’re a living organism. Hindi naman patay ang NCAA.”

Pag-uusapan pa ng ManCom kung mag-aaward ng general championship sa pinaikling Season 96 ayon kay Calvo. “Hindi pa siya na-discuss. We’ll cross the bridge when we get there,” dagdag ng long-time Letran athletic director. “Premature pa as of now.”

Samantala, nakasalalay pa rin aniya sa sitwasyon ang puwedeng mangyari sa Season 96. “Depende sa sitwasyon, eh. We don’t know what will happen between now and March 2021.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page