top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

“No vax, no ride” kahit out na, dapat pa ring mag-ingat

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2022
1 min read

@Editorial | January 31, 2022



Kasabay ng pagbababa sa Alert Level 2, hindi na obligado ang komyuter sa Metro Manila na magpakita ng kanilang vaccination status para lamang makasakay sa pampublikong transportasyon simula sa bukas, Pebrero 1.


Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Sec. Goddes Hope Libiran.


Halos isang buwan na ang nakararaan nang unang ipatupad ang naturang polisiya, na naging kontrobersiyal. May mga indibidwal, iba’t ibang grupo at mambabatas mismo ang bumatikos sa patakaran na anila’y paglabag sa batas at karapatang-pantao.


Anila, ang desisyong ito ng gobyerno ay discriminatory laban sa mga Pilipinong hindi pa nababakunahan.


Habang may iba naman na nauunawaan ang patakaran alang-alang na rin umano sa mga hindi bakunado na baka mahawahan ng COVID-19 at maging malala dahil walang proteksiyon.


Sa tuwing magluluwag sa mga patakaran kaugnay ng pandemya, palagi sana nating isipin na hindi ito pagpapahintulot na maging kampante o magpabaya.


Kailangan itong gawin para mabalanse ang ating pamumuhay. Kailangang makapaghanapbuhay para sa pamilya at sa bayan.


Kaya plis lang, sumunod pa rin sa mga panuntunan. ‘Ika nga, nariyan na ang COVID-19 at maaaring hindi na umalis. Kailangan na nating masanay nang may banta sa paligid.


Kinakaya naman natin, iwasan lang ang magpasaway.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page