top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

No elections dahil sa COVID-19, no, no, no!

BULGAR
Apr 24, 2022
1 min read

@Editorial | April 24, 2022


Nagpahayag ang Department of Health (DOH) na posibleng maipagpaliban muna ang eleksyon sa ilang lugar sa bansa nang dahil sa surge ng COVID-19.


Ayon sa pamunuan ng DOH, malaki ang posibilidad nito kung talagang magkakaroon ng malaking pagtaas sa mga kaso ng nasabing virus sa ilang mga lugar.


Ang pagpapaliban ng Eleksyon 2022 ay maaari lamang na mangyari sa mga sitwasyon ng terorismo, karahasan, pagkasira ng mga election paraphernalia, at force majeure o kung magkakaroon man ng mga hindi inaasahang mga pangyayari.


Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng Commission on Elections (Comelec) kung dapat bang uriin na force majeure ang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit.


Kaya ang patuloy na paalala sa lahat na laging sumunod sa health protocols.


Marami nang eksperto ang nagbigay-babala na maaaring magkaroon ng panibagong surge pagsapit ng buwan ng Mayo kung babalewalain ng bawat isa ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum public health standard.


Kapansin-pansin na dumarami ang nakakalimot sa simpleng pagsusuot ng face mask. Talagang dedma na sa paligid. Kaliwa’t kanan na rin ang mga pagtitipon mula sa mga inuman sessions, gala, hanggang sa dinadagsa ngayong mga campaign rally.


Masaya tayo na unti-unti nang nawawala ang grabeng takot at lungkot na dulot ng pandemya. Malaki ang naging epekto nito sa kaisipan dahil hindi biro ang nakakulong.


Kaya higit sa banta na posibleng hindi matuloy ang halalan sakaling magka-COVID surge, alalahanin natin ang panibagong lockdown. Kaya pa ba? Maaaring kayanin pa rin ng iba pero paano naman ang mga wala na talaga?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page