top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

No. 26, pahiwatig ng kalungkutan at kasaganaan

BULGAR
Dec 8, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 8, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessica ng Pateros.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko ang tatay ko, pero 26 taon na siyang patay. Kinabukasan, ‘yung nanay ko naman ang napanaginipan ko. May dala siyang basket na may lamang prutas. Gayunman, buhay pa ang nanay ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jessica


Sa iyo, Jessica,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpakita sa iyo ang tatay mo na matagal nang patay ay magkakaroon ka ng mabigat na problema, pero may tutulong sa iyo para malutas ito. Tutulungan ka ng matalik mong kaibigan dahil siya ay tapat at maaasahan.


Ang numerong 26 naman ay nagpapahiwatig ng kalungkutan sa emotional side, pero kasaganaan naman sa pinansyal na aspeto ng iyong buhay.


Samantala, ang ibig sabihin ng napanaginipan mo rin ang nanay mo ay kaginhawahan sa buhay. May darating na tulong-pinansyal sa iyo nang hindi mo inaasahan. Ang prutas naman na laman ng dala niyang basket ay nangangahulugan ng magandang kalusugan at kasaganaan sa buhay na malapit mo nang makamtan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page